Janella: GAGSTERS!!
Asan na ba kayo??!!! I'm SOOOOO bored! Ack!
Asan na ba kayo??!!! I'm SOOOOO bored! Ack!
Pumunta ako sa family day ni Sam (kapatid ni Emily) sa Miriam. Ang daming bata... syempre. Ang baduy nung PE shirt nila. Color coded na pala, feeling high school. Tapos may malaking class number pa sa likod. Ano yun? Jersey? Weheh! Di ko na naabutan yung presentation ni Sam. Sayang... Puro games na lang. Tapos si Sam ayaw paawat. Lahat talaga ng games gusto salihan (kahit na forever kulelat yung section nila). Gusto na naming lahat umalis ng maaga pero syempre, si Sam nag-eenjoy pa. Syempre gutom na gutom na kami. Si Emily excited na kumain sa Red Ribbon (may order na raw siya). Talagang hindi kami nakaaalis hangga't hindi marinig ni Sam kung sino nanalo sa last game. Gumawa sila nung tower out of straw and stuff. Astig nung mga daddies. Talagang kinakareer! Sabi nga ni Em, mga frustrated engineer/architects daw. Binobola ko na nga si Sam eh. Sabi ko sila na yung panalo para pumayag nang umalis. Pero wise din siya. Ayaw pauto. Hehehe! Pero to be fair, tumama yung sinabi ko, sila nga yung nanalo. Maligaya na si Sam. Kinuha pa niya prize na bag. Happy! Makakakain na kami sa wakas!
Nahiya ako bigla. Kasi kasama pala yung Mommy nila. Libre na ba to??? Hmm... So kumain nga kami sa Red Ribbon. Si Emily pansit palabok at pan-grilled chops. Ako pan-grilled chops din pero nakihingi na rin ako ng palabok kasi na-realize kong masarap pala yon at gutom na talaga ako. Pagkakain umalis na sila Emily, grocery pa raw sila. Ako naman, tumawid ng overpass. Nasa kabilang side na pala ang aking father dearest. Umuwi na kami. THE END.
Chismis: Sorry! Secret pala 'to kaya aalisin ko na. Bago pa nya makita. Sorry Tam. Kwento na lang sayo pag nagkausap na tayo ulit.
Syempre puro tungkol chismis na lang ako ngayon sa ibang tao. Kasi ako naman ang wala nang life sa Ateneo. Di na siguro ako makakagimik o pasyal hanggang sem break. Sobrang dami nang kailangang gawin at ayusin. Kailangang humabol sa Zoology at Math. Please, pagdasal niyo sana ako sa Sunday. Finals na ng taekwondo at sparring na kami. Nalaman ko kaninang konti lang raw ang nasa mabibigat na division kaya pagsasamahin niya na lahat. Patay na lang talaga ako pag nakalaban ko eh yung pinakamalaki at pinakamalakas. Nakakastress talaga isipin. Buong linggo hanggang Sunday ay ganito ang haharapin ko. I'm sure busy nga rin kayo sa school. Don't worry. lagi ko rin kayong pinagdarasal. Hay, sana after nito ay magkita-kita na ulit tayo. Ngayon ko kayo talaga namimiss lahat!! Oh well. marami pang assignment kaya baboosh muna mga gagsters. MWAH!!
12/12/12
hi sa inyong lahat! kamusta na kayo? ang tagal ko ngang di nakabisita dito kasi super busy ako sa school. araw-araw halos more than 4 ang homework. nakakatamad na. gusto ko na magbakasyon. hehehe... ang pinakamahirap kong subject ay yung US History. ang dami kasing kelangan isulat. pero ok lang yun, kasi ang cute talaga nung isa kong kaklase. ....sana gawin kaming seatmate haha! nag-try out nga pala ako sa dance group namin sa school. nakuha ako sa first cut kanina. sana matanggap rin ako sa 2nd cut.
sept. 14!!! 17 y/o na ako!!!! hehehe! unfortunately, di pa rin ako binigyan nga math teacher ko ng bonus points. ang grade ko kasi sa class na yun ay C, 71% ata..lagot.
sana nag-eenjoy naman kayo dyan. luv you all!!!!!!!!!!!
12/12/12
kamusta na kayo mga KYUT? alam kong napaka BUSY niyo na noh. (lalo ka na em..)
ako naman okay lang naman. lumabas na nga results ng math exams namin, aba gusto ko lang i-share na PERFECT ako. out of 70, 71 ako! kaya niyo yun?! uhmm...madali siya!!!!! may bonus nga pala kaya sobra yung score ko. oo nga pala sa ibang subject, mahiraphirap ... hehe puro memorization ito!!! oo nga pala yung ENGLISH namin pasaway ng kaunti. sana pumasa naman ako dun...
grabe ang dami ng nangyayari sa amin dito sa school may!.... uhmmm....WALA pala.
oo nga pala merong sa amin... NURSING week...YEHEY.... yun ba ang kailangan kong reaction? ang saya talaga ng buhay oh... pasaway pa nga ako eh... may pre-pageant ngayon at hindi ako pumunta... ang bait ko noh...alam ko naman na mabait talaga ako eh. at akalain niyong may nadamay ako? si eunice... hehe sabi niya gusto niyang pumunta pero dahil tinaamad siya...so NAPAKABAIT ko talaga!!!
oo nga pala ang saya nung GIMIK natin janeh! ang GANDA talaga ni BARBIE. em alam ko na kasalanan na hindi ka sabihan... kasi naman noh nakakaasar na yung... "papers ko, quiz ko,papers ko ulit, ay midterms ko pa pala, ay buhay pa pala ako."so hindi ako nag bother na sabihan ka... nakaka upset na hindi ka nanaman pupunta. pero next time... SORRY ulit.
oo nga pala ang saya talaga nung OVERNIGHT! miss ko na si CARA at mga kwento niya sa mga classmates niya!! hehe! sana lumabas na ang class picture nila at ma kwento niya ang mga kagandahan at kapangitan ng mga classmates niya ULIT! ang daming alam na bata!! haha!!
o siga na!
bye bye na!
oo nga pala em... yung name mo ha!LAGING name ng characters sa mga films na pinanood ko lately... emily si dakota fanning sa hide n seek, tapos emily pa rin ang name ni amanda pete sa a lot like love... ano ba naman yun!!! siguro SIGN na malapit na tayong magkita?!
okay bye bye!!! ingat kayo lagi!!!
Ack!! Sa loob ng isang araw nag-midterms ako sa Lit, Taekwondo at Math. Di rin ako naka-aral sa lahat ng yon the day before dahil ginawa ko yung feature article ko sa English. Kala ko tapos na but no... may Fil long test pa rin akong pinoproblema ngayon para sa Tuesday.
Sana matuloy tayo next next week! Gusto ko na kayong makita ulit!! Tammy, sayang di kita naabutan. 7 na kasi umuwi dahil nanood ng sagala sa school. Kailangan ng bonus sa Fil dahil F ba naman ako sa maikling papel. Akalain nyong ganon?! Pinaghirapan ko talaga yon! Grrr...
Kamusta na ba ko ngayon? Di ko rin maintindihan. Buong week na akong nababagabag in a negative way. Dami kong iniisip kahit na puro walang kwentang bagay. Sinusumpong ako madalas ng mood swings. From masaya at kinikilig bigla akong nagiging malungkot at galit sa mundo. Siguro kasi meron ako. Hopefully next week okay na ulit ako. Haay... Pagod na talaga ko... At sabog...